Nagpakamatay umano ang isang Korean casino agent pagkatapos matalo ng R4 million sa sugal sa Pasay City kahapon.
Kinilala ng police ang biktima na si Seung Ryeong Baek, 41, walang asawa, taga-Seoul, South Korea, at pansamantalang nakatira sa Boardwalk Tower, Bay Garden Condominium Corp., Macapagal Boulevard, Pasay.
Ayon sa imbestigasyon, pumunta si Baek at kanyang kaibigan na si Han Gile, 26, isang freelance casino agent, sa City of Dreams Resort and Casino sa Paranaque City upang maglaro ng baccarat, isang card game.
Natalo ang biktima ng P1 million at nagpakuha ng P2 million kay Gile sa kanyang condo. Naglaro ulit ang biktima ng baccarat at natalo. Nagpakuha ang biktima kay Gile ng P1 million at natalo na naman.
Ayon kay Gile, disappointed ang biktima at nagbirong magpapakamatay na siya dahil dahil natalo sa sugal.
“Bandang alas-kwatro eh pumunta sila sa unit ng biktima at nag-inuman. Sabi ng biktima, biro lang daw na magpapakamatay siya pero hindi akalain ng kaibigan niya na tototohanin pala niya,” ani Chief Insp. Rolando Baula, head of the investigation unit ng Pasay police. (Martin A. Sadongdong)