Nag-viral photo ang lumabas sa internet na kita ang monobloc chair sa isang eksena sa “Encantadia” na nasa likuran nina Kate Valdez (as Mira) at Mikee Quintos (as Lira).
Ayon sa haters ng GMA telefantasya, nakita talaga ‘yun. Pero maraming Encantadiks viewers (kasama na kami) ay walang nakitang monobloc chair sa actual episode na ipinalabas.
Paliwanag ng production staff, ang monobloc chair ay para sa mga artistang hindi pa kailangan sa eksena o sa mga naghihintay ng blocking. Hindi ‘yun ginamit sa actual episode. For sure, bago o habang nagte-take, mapapansin ng director sa TV monitor ang monobloc chair kung hagip ng kamera.
May kung sino lang marahil ang gusting siraan ang top-rating fantaserye na balitang extended hanggang May this year.
Marami pang mag-ge-guest na Kapuso stars at marami pang mga pasabog at sorpresang dapat abangan.
Bagay
Nagpo-protesta ang GabRu fans nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid. Ayaw nilang itambal si Ruru kay Arra San Agustin, ang reincarnation ni Kylie Padilla sa “Encantadia.” Gumaganap bilang Ariana si Arra na sumanib sa katawan niya ang kaluluwa ni Amihan (Kylie).
Request ng GabRu fans, ibalik ang pagmamahalan nina Ybarro/Ybrahim (Ruru) at Alena (Gabbi). Pagbigyan kaya sila ng writers ng “Encantadia”?
In fairness, may chemistry naman sina Ruru at Arra. Bagay din sila, di ba? May kilig factor.
Nang-iinggit?
Nang-iinggit kaya o nang-iinis lang si Ellen Adarna sa pagpo-post niya sa social media ng pictures nila ni John Lloyd Cruz? Magkasama sila sa isang out-of-town trip na sweet-sweetan ang kanilang photos.
Ang press release ni Ellen, friends lang sila ni JLC. Friends in love kaya o friends with benefits? Ang bilis talaga maka-move-on ni Ellen matapos silang mag-break ni Baste Duterte. Sabagay, inamin naman niya na doon siya magaling.
Wala siyang panahon magmukmok.
Base sa kanilang photos, mukha namang nag-e-enjoy si JLC sa company ni Ellen.
Noong ipost ni Ellen sa social media ang photos nila ni Baste, aniya, friends lang sila. ‘Yun pala’y may relasyon sila. Pinagsabay pa sila ni Baste ng non-showbiz girlfriend nito at ina ng anak nito.
Mangyari kaya‘yun kina Ellen at John Lloyd? Friends kuno, pero magkarelasyon pala.