Palalawigin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang free skills training program para sa mga inmate kasabay ng plano nilang pagbisita sa 100 municipal at city jails sa buong bansa sa taong ito.
Sinabi ni TESDA Director General Guiling Mamondiong na ang proyektong Integration Through Skills Development, na magkasamang ipinatutupad ng TESDA at Bureau of jail Management and Penology (BJMP), ay isa sa mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para tulungang makabalik sa lipunan ang mga preso kapag sila’y lumaya na.
“We will assist them if they want to have a better future and we will not discriminate them. Through this project, they will be able to establish their own business or land a decent job once they get out of jail and serve as an addition to the country’s manpower,” pahayag Mamondiong.
“Even the family members of the inmates may avail of the free skills training program we offer,” dagdag pa niya.
Kasama sa mga kursong ibinibigay sa inmates ang front office services, customer service, barista, HEO forklift, automotive servicing, food processing, hilot, motorcycle/small engine services, bread and pastry, nail care, massage therapy, beauty care, housekeeping, organic agriculture, animal production at cookery. (Martin A. Sadongdong)