Patay ang isang tattoo artist matapos siyang sasakin ng kaniyang nakaaway habang natutulog sa loob ng nakaparadang tricycle sa Sta. Ana. Manila, noong Linggo.
Kinilala ng police ang biktimang si Jose Navarro, Batang City Jail member, at residente ng 2525 Onyx Street, San Andres Bukid, Manila.
Base sa investigation, nangyari ang insidente dakong 6 p.m. matapos magtalo at magpambuno ang dalawa dahil hindi naisauli ng biktima ang hiniram niyang manok na pangsabong sa suspek na si Leonardo Torreon.
Gamit ang kutsilyo, sinaksak ng suspek ang biktima nang madaanan niya ito na natutulog sa loob ng isang tricycle.
Isinugod si Navarro sa Sta. Ana Hospital ngunit patay na siya nang idating doon. Sumuko naman sa mga alagad ng batas ang suspek. (Jaimie Rose R. Aberia)