Itinalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang motorcycle lane sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (Edsa) bilang special lane para sa fire trucks, ambulances at iba pang emergency vehicles.
Sinabi ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos na ang fire lane ay iyong pangalawang lane sa kaliwang bahagi ng Edsa.
“When there is an emergency, all vehicles on the special lane must get out and give priority to fire trucks, extending further to ambulances and vehicles that must be given the space,” pahayag ni Orbos pagkatapos dumalo sa Metro Manila Council meeting kahapon.
Ayon kay Orbos, magsasagawa sila ng trial run o demonstration sa Linggo para maipaalam sa publiko kung paano gagamitin ang fire lane.
“Once the street has been categorized a fire lane, there will be no more obstructions and illegal parking,” sabi ni Supt. Rico Neil Kwan Tiu, Bureau of Fire Protection-National Capital Region chief. (Anna Liza Villas-Alavaren)