KORONADAL, South Cotabato (PIA) – Gaganapin sa Marso 15 ngayong taon ang sabay-sabay na pagtatapos ng mga estudyante ng School-on-the-Air (SOA) na isinagawa ng Agricultural Training Institute (ATI) 12 at Department of Agriculture and Fisheries (DAF) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Ang abot humigit-kumulang na 550 mga estudyante ay nagmula sa sampung mga munisipyo ng Maguindanao na kinabibilangan ng Sultan Kudarat, Parang, Sultan Mastura, Datu Saudi Ampatuan at iba pa.
Sa pamamagitan ng SOA na nagsimula noong Nobyembre 14 nang nakaraang taon, itinuro ang halal production on small ruminants sa mga benepisyaryo ng programa. Layon nito na makapagsanay ng mga magsasaka at livestock grower na maging handa sa lumalaking market opportunity ng mga produktong halal sa Pilipinas at sa mga karatig bansa.
Ang naturang SOA ay napakinggan tuwing Lunes 6:30 hanggang 7:00 ng gabi sa himpilan ng DXMS AM sa Cotabato City.