Nagbigay ng kaunting detalye si Anne Curtis sa wedding plans nila ng fiance niyang restaurateur at food blogger na si Erwan Heussaff.
“Actually, we’re gonna start planning come the Easter holiday. So, that’s the time we’ll start planning. But it will happen this year,” sabi ni Anne sa thanksgiving presscon ng ABS-CBN noontime show na “It’s Showtime.”
Naganap ang engagement nina Anne at Erwan noong Disyembre sa kanilang New York City and Connecticut trip.
Magiging part ba ng wedding entourage niya ang kanyang co-hosts sa “It’s Showtime?” “Hindi siguro lahat will be part of the entourage. Pero meron.”
Masaya naman si Vice Ganda at ang iba pa nilang kasamahan sa “It’s Showtime” hindi lang para kay Anne, kundi pati na rin para sa isa pa nilang co-host na si Billy Crawford na engaged na rin sa girlfriend nitong si Coleen Garcia.
Speaking of “It’s Showtime,” excited na sina Anne at Vice sa nalalapit na huling tapatan ng grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan” na magaganap sa Sabado, March 11, sa Resorts World Manila. Sa nagaganap na week-long grand finals, lima lamang ang maghaharap sa huli mula sa sampung grand finalists na kinabibilangan nina Froilan Canlas, Noven Belleza, Sam Mangubat, Carlmalone Montecido, Maricel Callo, Mary Gidget dela Llana, Pauline Agupitan, Marielle Montellano, Eumee Capili, at Rachelle Grabreza.
Nagkakaisa rin sina Vice at Anne sa kanilang saloobin at paniniwala na malaki ang naitulong ng “Tawag ng Tanghalan” upang consistent na makapagtala ng mataas na national TV ratings ang “It’s Showtime,” base sa datos ng Kantar Media.
Ani Vice, “It’s a big blessing sa ‘Showtime.’ Ina-ackowledge naman po namin iyon. Malaking blessing sa ‘Showtime’ ang ‘Tawag ng Tanghalan’ and we’re just very, very happy.”
Dagdag pa ni Anne, “Yes, it truly is a blessing and I think it really complemented the show. ‘Showtime’ being from the very start a show that have a contest, so it came at the right time talaga. We’re just all very, very thankful.”
(GLEN P. SIBONGA)