Mukhang napag-iiwanan ni Bianca Umali ang ka-love team niyang si Miguel Tanfelix. Dalagang-dalaga na ang itsura ni Bianca sa edad niyang 17 years old. Si Miguel, mukhang totoy pa rin. He’s 18 years old.
Malaking bulas kasi si Bianca, kaya mabilis siyang mag-mature. Ang Kapuso teenstar ang pinakabagong Youth Ambassador for Education na hinirang ng World Vision Organization.
Ani Bianca, grateful siya na bahagi siya ng naturang international child-focused organization. In her own way ay makakapag-share siya ng kanyang blessings sa mga bata, lalo na ‘yung mga mas nangangailangan.
A bookworm herself, ani Bianca, gusto niyang ma-encourage ang mga bata na magbasa. “Gusto kong maranasan nila ‘yung childhood na creative through reading,” she said.
Nasa Cebu si Bianca last Tuesday (March 7) kung saan siya nag-celebrate ng kanyang post-birthday with the Children of Cotcot Day Care Center in Liloan. Isa ito sa World Vision’s area programs.
Okey na
Hopefully by this time, nakalabas na sa hospital si Kathryn Bernardo. Nasa taping siya ng isang upcoming teleserye niya sa ABS-CBN nang biglang sumakit ang kanyang tiyan.
Agad siyang isinugod sa hospital at na-diagnose na may acid reflux siya. Walang dapat ikabahala ang fans and supporters ni Kathryn dahil okey na siya.
Kinilig
Kilig-kiligan si Diana Zubiri sa pagpasok ng Fil-American husband niyang si Andy Smith sa “Encantadia.” Gumanap ito bilang matandang Anthony. Proud na ipinost ni Diana sa social media ang picture ng husband niya na ang caption: “Sino ba ‘yung Anthony?”
Ang Starstruck 6 winner na si Migo Adecer ang gumanap bilang teen-ager na Anthony na love interest ni Mira (Kate Valdez).
Effect
May effect kay Janine Gutierrez ang role niya bilang Grace na rape victim sa “Legally Blind.” Aniya, bilang babae, sa tingin niya’y hindi dapat mahiya ang mga biktima ng sexual harassment na magsalita at ilahad kung may pang-aabusong nangyari sa kanila.
“Dapat pagbayarin ang mga taong gumagawa ng mga gano’ng kasamaan,” ani Janine.
Bilang Grace, humihingi siya ng hustisya sa nangyari sa kanya. Gusto niyang maparusahan ang taong gumahasa sa kanya.
Ano kayang gagawin ni Grace kapag nalaman niyang kapatid ng taong tumutulong sa kanya (Mikael Daez as Edward) ang rapist niya (Marc Abaya)?