Ipinalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang Wage Order No. ROVII-20 na nag-aatas ng pagtaas sa arawang minimum na sahod sa mga manggagawa sa probinsiya ng Cebu, Bohol, at Siquijor.
Ang pagbabago sa sahod ay magiging epektibo sa Marso 10, 15 araw matapos maipalathala ang wage order sa lokal na pahayagan sa nasabing rehiyon.
Sa commercial at industrial sector, ang mga manggagawa sa siyudad at munisipalidad na nasa Class A o expanded Metro Cebu ay tatanggap ng R366 bagong arawang minimum na sahod, samantalang ang mga manggagawa sa Class B, kabilang ang siyudad ng Toledo, Bogo, at ang iba pang munisipalidad sa Cebu, maliban sa Bantayan at Camotes Island, ay tatanggap ng arawang sahod na P333.
Magiging P323 naman ang arawang minimum na sahod ng manggagawa sa Class C kabilang ang Bohol at Negros Oriental. Ang Class D na binubuo ng munisipalidad ng Siquijor at Bantayan at Camotes Island ay tatanggap ng P308.
Sa agricultural sector, ang mga manggagawa sa siyudad at munisipalidad na nasa Class A ay tatanggap ng arawang sahod na P348 (non-sugar) at P316 (sugar); at P318 (non-sugar) at R303 (sugar) para sa manggagawa sa Class B.
Tatanggap ang mga manggagawa sa siyudad at munisipalidad na nasa Class C ng P303 (non-sugar at sugar) samantalang ang manggagawa sa munisipalidad na nasa Class C ay tatanggap ng R288 (non-sugar) at P303 (sugar) arawang sahod.