Kahit tapos na ang obligasyon ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach bilang isang beauty queen, hindi pa rin niya pinagdamot ang kanyang oras at panahon para tumulong sa pag-train sa ilang mga official candidates ng 2017 Bb.
Pilipinas Pageant.
Sumali si Queen Pia sa ginawang training ng mga candidates na mula sa Aces & Queens ng beauty queen maker Jonas Gaffud.
Nakibahagi si Pia sa Q&A training at nagbigay ito ng tips kung paano sumagot ng may confidence.
May karapatan nga raw si Pia na mag-share ng kanyang nalalaman dahil nanalo lang naman siya bilang Miss Universe sa ikatlong pagsali niya sa Bb. Pilipinas.
Nakasama ni Pia sa naturang training ay si Nad Bronce ng Aces & Queens.
Mga masuwerteng naroon sa training at nakakuha ng mahahalagang tips mula kay Queen Pia ay ang mga official candidates na sina Dane Felisse Marasigan, Arienne Louise Calingo, Vanessa Saliba, Charmaine Elima, Leitz Camyll Ang, Jehza Huelar, Juliana Kapeundl, Chanel Olive Thomas, and Gabriela Mortega.
Ilan sa kanila ay ang nag-post ng selfies kasama si Pia at nagpasalamat sila sa rare opportunity na iyon na makasama nila ang former Miss Universe sa kanilang training.
“It was such a great privilege to be trained by one of the people I look up to the most, Ms. Pia Wurtzbach. Your words of wisdom are heartfelt. Thank you for teaching us to never give up on our dreams no matter what anyone says,” post pa ni Dane Marasigan.
“Our faces touched. I never want to wash my face ever again…Joke lang. Maybe,” post naman ni Arienne Calingo.
Post naman ni Juliana Kapeundl ay: “Can you imagine seeing the most beautiful woman in the Universe just in front of you throwing questions and evaluating your answers? How would you feel about that?” (RUEL J. MENDOZA)