Lumitaw sa police station ang limang university students na isinasangkot sa pagkamatay ng isang 28-year-old seaman sa isang away sa bar sa Quezon City noong isang linggo.
Halos isang linggo matapos ang pagkamatay ng OFW na si Abigail Gino Basas, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Guillermo Eleazar na limang babaeng kasama ng grupo ng mga suspek ang sumuko sa police para magbigay linaw sa insidente.
Noong Miyerkules, pinangalanan ng isang 20-year-old student ng San Sebastian College ang kaniyang mga kaibigan na kasama sa pambubugbog kay Basas noong umaga ng nakaraang Sabado, sabi ni Eleazar.
Apat na students pa ang sumunod na pumunta sa police station para linisin ang kanilang pangalan sa naganap na krimen.
Sinabi ni Eleazar na itinuturing nilang witnesses ang limang sumuko na nagsabing si Mohammad Marzan Piti-ilan alias “Pits” ang unang sumuntok kay Basas.
Ayon sa isa sa mga babae, nakita niyang inatake ni Piti-ilan si Basas sa likod ng ulo na naging dahilan para matumba ang biktima sa daan.
Sinabi ng isa sa apat na babae na hindi sila lasing at inawat lang nila ang kanilang mga kaibigan sa pagbugbog sa biktima.
Sinabi rin ng naturang testigo na sigurado siyang hindi kasama sina Earl Grande at Angelo Mark Morata sa away dahil naawat nila ang dalawa.
Ipinahayag din ng babeng testigo na nakilala nila ang mga lalaking sangkot sa krimen kamakailan lamang at dalawang beses lang silang nagkita sa naturang bar.
Nalaman ng police mula sa bouncers at waiters ng bar na laging nagpupunta ang mga suspek sa Perfect Spot Billiards and Resto Bar na matatagpuan sa Lazcano St., Barangay Sacred Heart.
Ayon pa kay Eleazar, si Piti-ilan ay student ng National University habang si Grande at Cyril Rada ay mag-aaral sa University of the East sa Manila.
Sinabi ng police chief na pag-aaralan nila kung magsasampa sila ng kaso o hindi sa mga witnesses na nangakong makikipagtulungan sa kanilang imbestigasyon.
“We will evaluate their statements, compare with pieces of evidence if they can be considered witnesses,” he said.
Base sa official autopsy report, namatay si Basas dahil sa “blunt traumatic injuries (to the) head.”
Tinutugis pa ng QCPD ang limang lalaking suspect sa pagkamatay ni Basas.
TULONG SA BASAS FAMILY
Samatala, inutusan ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na kaagad na i-release ang mga benepisyong nakalaan para sa pamilya ni Basas na nagtatrabaho bilang photographer sa isang cruise ship at aktibong miyembro ng OWWA noong siya ay mapatay.
Sinabi ni Cacdac na tatanggap ang pamilya Basas ng P200,000 bilang insurance benefit; P20,000 para sa burial; scholarship na bahagi ng Education and Livelihood Assistance Program (ELAP) para sa kaniyang kapatid na edad 20 pababa; at P15,000 cash para sa kaniyang magulang dahil siya ay isang single. (Vanne Terrazola)