Binalaan ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang publiko laban sa mga manlolokong tao na ginagamit ang kaniyang pangalan sa panghihingi ng pera at pabor.
Sa statement na inilabas noong Sabado, pinayuhan ni Villar ang lahat ng opisyales at empleyado ng ahensiya na iwasan ang mga indibiduwal o grupo na nagpapanggap na representative niya o ng iba pang miyembro ng executive committee para humingi ng pera.
“I abhor all kinds of activity with flagrant display of abuse of authority in the department,” ani Villar.
Sinabi ni Villar na ang panghihingi sa pamamagitan ng pabebenta ng tickets para sa raffle, fundraising event, sponsorship at iba pa sa mga DPWH contractors, suppliers, at consultants ay mahigpit na ipinagbabawal.
“I encourage everyone to make sure that this fraudulent practice of solicitation and asking of favors as undisguised extortion are prevented,” dagdag pa niya.
Kamakailan lamang, nanaresto ng awtoridad ang ilang tao na nagpanggap bilang high-ranking government officials para makapanloko ng kapuwa. (Betheena Kae Unite)