Magsasagawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng libreng livelihood training programs para sa mga empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at miyembro ng kani-kanilang pamilya.
Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MoA) sina MMDA General Manager Tim Orbos at TESDA Director General Guiling Mamondiong para sa free livelihood training programs sa MMDA personnel.
Sa ilalim ng MoA, magbubukas ang TESDA ng libreng training programs sa MMDA employees na gustong kumuha ng technical at vocational courses tulad ng housekeeping, automotive servicing, at language improvement.
Ang mga miyembro ng pamilya o kamag-anak ng MMDA employees ay maari ring kumuha ng short livelihood training sa cookery, at bread at candle making. Ang MMDA ang magbibigay ng lugar na pagdadausan ng trainings at pagkain para sa participants.
Initially, may kabuuang 25 pamilya ng MMDA employees na sasailalim sa food and beverage training.
(Anna Liza Villas-Alavaren)