Tatlong indie films na mula sa Pilipinas ang nakasama sa magkakaibang sections ng 37th Fantasporto International Film Festival in Porto, Portugal.
Ito ay ang “Saving Sally” ni Avid Liongoren na pinagbidahan nila Rhian Ramos, Enzo Marcos at TJ Trinidad; “Tuos” ni Derick Cabrido na bida sina Nora Aunor at Barbie Forteza; at “Pamilya Ordinaryo” ni Eduardo Roy, Jr. na bida sina Ronwaldo Martin at Hasmine Killip.
Nanalo sa Fantasy Films in Feature category ang “Saving Sally” ng tatlong awards: Special Jury Prize, Audience Choice Award, and Extra Laurel for Symmretrical Purposes.
Naging isa sa official entries ng 2016 Metro Manila Film Festival ang “Saving Sally” at napanalunan nito ang Children’s Choice Award at best musical score award.
Napanalunan ng “Pamilya Ordinaryo” sa 27th Director’s Week section ng naturang festival ang Best Film at Best Actress para kay Hasmine Killip.
Noong 2016, napanalunan ng “Pamilya Ordinaryo” ang Best Film, Best Actress, Best Editing, Best Director at NETPAC Award sa 2016 Cinemalaya Independent Film Festival.
Ang “Tuos” ay nakasama sa Official Section Orient Express Competition ng Fantasporto.
Naging entry din ang “Tuos” sa Cinemalaya Independent Film Festival 2016 at napanalunan nito ang Audience Award, Best Sound, Best Original Music Score, Best Production Design and Best Cinematography.
Isa sa 25 leading film festivals sa buong mundo ang Fantasporto na nagsimula noong 1981 pa. Dinadaluhan ito annually ng mga film critics, filmmakers, film enthusiasts, producers at screenwriters. Higitna 110,000 ang attendees ng naturang festival.
Noong 2016, ang Kapuso Teen Queen nasi Barbie Forteza ang kauna-unahang Pinay actress na nanalong best actress award sa Fantasporto para sa pelikulang “Laut.”
This year ay nagsimula ang festival noong February 26 at nagtapos noong March 5. Naganap ang awards night sa Rivoli Municipal Theatre in Oporto. (Ruel J. Mendoza)