This piece is dedicated to the people who are planning to go abroad and try America as their land of milk and honey.
Maganda ang klima sa America dahil sa malamig, pero level up lang siya ng siguro two to three times ang lamig kung ikukumpara sa Baguio. Maayos ang transport system at mabilis ang Internet.
Siguro kung ‘yan lang ang pagbabasehan ko, maaaring gugustuhin ko nalang tumira doon. Pero bago muna mag decide, as a wealth coach, kailangan muna magtanong at mag-survey.
Sa Amerika, an average employee can earn at least $15 per hour (R750 equivalent) x 10 hours = to $150 (R7,500) per day.
Wow! Ang laki!
Pero bago ka mag-empake at mag apply ng visa, according sa mga Uber at taxi drivers na nakausap ko, ang isang pamilya na may isang anak should earn at least $7,500 to $10,000 per month to survive. Take note SURVIVE. Wala pang luho yan.
Upa pa lang $3,000 na. FYI, pagkain sa America hindi ka bababa ng $10 per meal. Kung sa resto pa nasa $15 to $20 per meal. So if you are a family of three, you need $90 per day x 30 days = $2,700 per month.
Hindi pa kasama ‘yung pamasahe at utilities mo doon.
Kung titignan natin, sa mga taga-Pilipinas, masarap ang buhay ng mga taga America. Think again!
Some of them need to take two to three jobs para umaayos lang ang buhay. Karamihan ng mga Uber drivers na nasakyan ko rito ay may mga trabaho o self-employed. Nag-uUber sa gabi para may dagdag income.
In other words, kung nasa America ka, you can’t afford to stop working if you want to survive. Hindi ka pwede pa tambay-tambay at isa lang ang trabaho at mabubuhay ka na.
Mas mapalad pa tayo sa Pilipinas na kahit hindi naman malaki masyado ang ating kinikita pero kahit maliit ang kinikita minsan pero mura pa rin ang bilihin sa atin.
Pwede kang kumain ng R50 busog ka na! Sa R100 may unli rice ka pa! That’s only equivalent to $2. Samantalang ang $2 sa America, ano ang mabibili mo? Bottled water. Yes tama ka, ginto ang presyo ng tubig dito.
Dito sa Pilipinas, kahit minimum wage earner ka, basta marunong ka magtiis at magtiyaga, pwede ka lang mabuhay.
Sa America ko naunawaan na oras na mawalan ka ng trabaho at kita doon, pwede ka mabaon sa utang sa loob lang ng ilang buwan. Dahil kailangan mong punan yung $7,500 to $10,000 per month just to survive.
So mga kapatid, bago pa tayo mainggit sa ating mga kamag-anak na nasa America, kailangan natin maunawaan yung kanilang pinagdadaanan at ginagawa doon para mabuhay.
THINK. REFLECT. APPLY.
Ikaw, may plano ka bang mag America? Alam mo na ba kung ano ang papasukin mo bago ka mag ibang bansa? Ano ang pwede mong pasalamatan sa ating bansa kahit hindi pa siya tulad ng America?
ANG MGA TAONG MARUNONG MAKUNTENTO AY MAS MAYAMAN SA MGA TAONG WALANG KASIYAHAN SA BUHAY. (Chinkee Tan)