Pinayagan kahapon ng Sandiganbayan First Division si dating Senator Ramon “Bong” Revilla na bisitahin ang kaniyang amang may sakit ngayong araw na ito, mula 6 hanggang 9 a.m. sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City.
Nauna rito, nag-file si Revilla ng urgent motion na humihiling sa Sandigan na payagan siyang mabisita ang kaniyang ama sa ospital.
Sa kaniyang motion, sinabi ni Revilla na ang kaniyang ama ay ginagamot dahil sa “pneumonia and occult gastro-intestinal bleeding,” at nakatakdang sumailalim sa gastroscopy at colonoscopy ngayon.
Ang procedure ay mapanganib para sa kaniyang ama na 90 taong gulang na, kung kaya’t sinabi niya sa korte na kailangang nasa tabi siya nito habang ginagamot.
“Senator Revilla feels obliged to come to the aid of his father, who is very close to him, even by his mere presence, and cannot disregard a son’s natural urge and desire to visit and be with his ailing and weak father, and spend a few moments together, to provide former Senator Revilla Sr. the needed assurance and support,” ayon sa kaniyang motion. (Czarina Nicole O. Ong)