KIDAPAWAN, North Cotabato (PIA) – Abot sa 16 na dating miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Tulunan ang sumuko at nabigyan ng tulong pinansyal na abot sa R15,000 bawat isa.
Ang tulong pinansyal ay mula sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Kaugnay nito, hinikayat ni Governor Emmylou Mendoza ang mga rebel returnee na samantalahin ang pagkakataon na maging kabahagi ng pamahalaan sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan.
Siniguro din ni Mendoza na maibibigay sa mga sumukong rebelde ang anumang tulong mula sa gobyerno na pwede nilang mapakinabangan.