Bantay-sarado si Maine Mendoza noong nag-taping siya sa isang barangay sa San Francisco del Monte, QC. Para ‘yun sa Lenten presentation ng “Eat Bulaga.”
Gusto sanang magpa-picture-taking ng mga nanonood ng taping. Pero anila, hindi nila ito malapitan. Hanggang kaway at ngiti lang daw sa kanila si Maine.
Mabait naman daw ito. Sobrang higpit lang ng mga taong nakapaligid sa dalaga. Itsura raw PSG (Presidential Security Guard) ang mga ito, kaya hindi malapitan si Maine.
Afraid siguro ang mga bantay na masaktan siya o dumugin ng fans.
Nagkakadebelopan na?
Si Sanya Lopez ang nagbuking noon na may ibang Kapuso star na idine-date si Rocco Nacino, si Arianne Bautista. Pero agad itinanggi ng huli na may namumuong “something” between her and Rocco. Business partners lang daw sila.
Hindi kaya dahil sina Rocco at Sanya ang magka-love team sa “Encantadia,” kaya naudlot ang diumano’y pagkakamabutihan nina Rocco at Arianne?
Kung dati’y sinasabi ni Sanya na friends lang sila ni Rocco, sa isang recent interview sa kanya’y nagpahayag siya na open siya sa possibility na maging “sila” ni Rocco. Nagkakadebelopan na kaya sila? O, press release lang?
Posible kayang totohanin na nila ang nararamdaman ng mga karakter nila sa “Encantadia” bilang Aquil at Danaya?
Kinilig ang DanQuil fans sa kissing scenes nina Danaya at Aquil sa isang episode ng “Encantadia” nang sabihin ni Danaya kay Aquil na mahal pa rin niya ito.
Kilig
Kung may DanQuil love team sa “Encantadia,” meron na ring AzPiren love team sina Marx Topacio at Glaiza de Castro bilang Azulan at Pirena. Tunog-gamot ang kanilang love team.
May chemistry din sina Glaiza at Marx na boyfriend ni Maxine Medina (Miss Philippines-Universe 2016). Kilig-kiligan ang Azpiren fans sa away-bati na mga eksena nina Glaiza at Marx.
Makilala kaya?
Sa “Legally Blind,” darating sa engagement party nina Edward (Mikael Daez) at Grace (Janine Gutierrez) si William (Marc Abaya). Walang kaalam-alam si Grace na ito ang gumahasa sa kanya at kapatid pa ni Edward.
Makilala kaya ni William si Grace, ang babaeng ginahasa niya? Tutok lang sa “Legally Blind” at 3:20 pm sa GMA7.