Isang pagawaan ng mga kabaong ang naabo sa sunog na ngaganap sa Quezon City kahapon.
Mahigit sa P100,000 halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy na sumiklab sa Everest Casket Manufacturing sa Sangandaan Compound, Barangay Talipapa, dakong 12:27 p.m.
Ang factory ay pag-aari ng isang Jan Anne dela Cruz. Ayon kay Quezon City fire marshal Senior Supt. Manuel Manuel, nagsimula ang apoy sa paint area ng factory. Naapula ang sunog dakong 1:20 p.m. Sinabi ni Manuel na isang bagay na naiwang nakakabit sa kuryente ang maaring pinagmulan ng sunog. (Vanne Elaine P. Terrazola)