Nalungkot, pero tanggap na ni Angel Locsin na hindi na siya ang gaganap bilang Darna sa movie version nito. Mutual decision nila ng Star Cinema na hindi na niya ito gagawin, ayon sa report ng TV Patrol.
Hindi pinayagan si Angel ng kanyang doctor dahil nakataya ang kanyang buhay at kalusugan.
May gagawin naman siyang pelikula with Coco Martin at isa pa with James Reid. May special participation din si Angel sa upcoming teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Excited
Sa July na manganganak si Kylie Padilla sa baby nila ni Aljur Abrenica. Engaged couple na sila, pero walang balita kung kalian ang kasal nila. Wala ring balita kung personal nang nagkausap sina Aljur at Robin Padilla.
Nauna pang nakita at nakausap ni Robin ang Pakistani husband ng panganay niyang anak na si Queenie. Nagbakasyon ang mag-asawa sa Pilipinas.
Ang press release ni Aljur, naghahanap lang siya ng right timing para kausapin si Robin. Tanong ng madlang pipol, kalian pa ‘yun? Hindi raw kaya naduduwag lang si Aljur makaharap si Robin?
Hindi kaya pagkapanganak na ni Kylie at saka sabay silang haharap ni Aljur kay Robin, kasama ang kanilang baby?
Abang-abang na lang pag may time.
Sa isang interbyu kay Kylie, sinabi niyang 17 years old pa lang siya noon ay gusto na niyang magka-anak. Gusto niya ng halos ay magkasabay lang sila lumaki. After 7 years, magiging nanay na si Kylie at excited na siya. Nakikita raw niya na magiging isang mabuting ama si Aljur.
Samantala, matatapos na ang buwan ng Marso. Mag-e-expire na ang kontrata ni Aljur sa GMA Network. Mag-renew kaya siya? O, lilipat siya sa ibang network?
Sweet
How sweet naman ni Paolo Contis kay LJ Reyes. Umarkila pa siya ng isang sinehan para lang mapanood nila ang “Beauty and the Beast” kasama ang anak ni LJ na si Aki. Yes, silang tatlo lang sa loob ng sinehan!
Sobrang generous ni Paolo sa kanyang Lady Love. Ikaw na talaga, girl! Haba ng hair. Kaya lalong nai-in love si LJ kay Paolo sa ipinapakita at ipinapadamang pagmamahal at pagki-care nito, hindi lang sa kanya, kundi pati sa anak niyang si Aki.