Hinihikayat ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na suportahan ang 10th observance of Earth Hour sa darating na Sabado, March 25, mula 8:30 p.m. hanggang 9:30 p.m.
Sa isang pastoral letter, hinihimok ni CBCP president Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas ang mga Katoliko na makibahagi sa pagprotekta at pangangalaga sa kapaligiran.
Sinabi ni Villegas na oras na para tapusin ang pang-aabuso sa kapaligiran. Nanawagan ang church leader sa publiko na makiisa sa Earth Hour sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw at electrical gadgets sa loob ng isang oras sa Sabado.
“The observance of Earth Hour is a reminder of how wasteful man has become in using electricity, water, and other natural resources that we previously thought was endless.
Now, we are slowly feeling scarcity and the other ill effects of these abuses,” pahayag ni Villegas. (Christina I. Hermoso)