Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) agents ang isang illegal recruiter sa entrapment operation sa Pasay City kamakailan.
Sumailalim si Gloria Javillonar sa booking procedures at medico-legal examination sa NBI headquarters at nakatakdang sampahan sa korte ng kaukulang kaso, ayon sa NBI report.
Nadakip si Javillonar noong Miyerkules ng umaga sa entrapment operation na isinagawa ng NBI Anti-Organized Transnational Crimes (NBI-AOTCD) sa Pasay City.
Inaresto siya sa bisa ng warrant na ipinalabas ng Regional Trial Court ng San Jose, Oriental Mindoro. Nalaman ng NBI na nahaharap si Javillonar sa apat na kaso ng illegal recruitment at estafa sa ParaƱaque City at Lipa City, Batangas. (Jeffrey G. Damicog)