Sugatan ang Dean of Criminology ng Pangasinan State University sa Binmaley, Pangasinan pagkatapos pagbabarilin ng lalaking nakasakay ng motorsiklo noong Miyerkules sa Lingayen, Pangasinan.
Kinilala ni Supt. Jackson Sequin, chief of police ng Lingayen, ang biktima na si Rommel J. Cruz, 43, may asawa, at residente ng Lingayen.
Papasok ang biktima sa PSU Binmaley sakay ng kanyang kotse ng mangyari ang insidente. Nagtamo si Cruz ng mga tama ng bala sa katawan at dinala sa ospital kung saan siya nagpapagaling. (Liezle Basa IƱigo)