Itinanggi ni Ruru Madrid na break na sila ni Gabbi Garcia. Wala naman daw silang inamin na “sila” na.“Magkaibigan lang kami. Hindi pa talaga pwede dahil marami pa kaming priorities,” ani Ruru nang nakausap namin at ilang entertainment writers sa taping ng “Encantadia.”
Itinanggi rin niya na nagdededmahan sila ni Gabbi sa taping ng “Encantadia.” Nag-uusap naman sila. Hindi na nga lang sila madalas nakakalabas gaya nang dati. “Kung kami, ipaglalantaranko. Proud ako.”
Itinanggi rin ni Ruru na tinatalakan siya ni Gabbi kapag nag-aaway sila. “Walang gano’n. Tahimik siyang tao. Hindi ko alam kung bakit may gano’ng isyu sa kanya,” depensa pa ni Ruru.
Out of sight si Gabbi, kaya hindi siya nainterbyu ng press.
Gorgeous
Si Arra San Agustin ang bagong love interest ni Ruru Madrid sa “Encantadia.” She plays Ariana, reincarnation ni Amihan (Kylie Padilla). “Sobrang ganda niya (Arra),”ani Ruru. “She’s gorgeous. Habang tinititigan mo, lalo siyang gumaganda. ”
Aniya pa, nasasaktan siya for Arra dahil bina-bash ito. Ayaw nila ito for him at mas gusto nila si Gabbi. “Sinabihan ko si Arra, huwag siyang magpaapekto.”
Posible bang ma-in love siya kay Arra? “Why not? Hindi siya mahirap mahalin. Karespe-respeto ang itsura niya,” said Ruru.
Ani Arra, hindi na siya nagbabasa ng comments ng bashers. Noong pasukin niya ang showbiz, inihanda na niya ang sarili sa mga intriga.
“Hi! and Hello!” lang sila ni Gabbi Garcia kapag nagkikita sila sa set ng “Encantadia.”
Pinagseselosan daw siya ni Gabbi? “Ewan ko. Hindi ko alam,” nakangiting sagot ni Arra.
BS Psychology graduate si Arra sa Dela Salle University. Showbiz crushes niya sina Gerald Anderson at Dennis Trillo.
Ouch! Ruru Madrid.
Emotional
Mamayang gabi na ang debut party ni Klea Pineda sa Nobu Hotel/Wave Poolside sa City of Dreams Manila. Emotional siya noong nainterbyu namin dahil sana raw ay buhay pa ang lolo niya para masaksihan nito ang kanyang birthday party.
Namatay ito noong 2014 dahil sa lung cancer. Panganay si Klea sa tatlong magkakapatid na babae. May canned business ang family nila. Distributor sila ng isang brand ng liver spread.
Bukod sa pagiging beauty queen, gusto rin ni Klea maging flight attendant. Napapanood siya sa “Encantadia” bilang Muyak.