Arestado ang dalawang babae na nagnakaw umano sa isang 65-year-old na residente ng Navotas City sa Binondo, Manila Saturday afternoon.
Kinilala ng Manila Police District ang mga suspect na sina Josephine Parolan, 37, and Perlita Flores, 41, mga residente ng Tondo, Manila.
Naglalakad ang biktimang si Patricia Mangalindan sa kanto ng C.M. Recto Ave. and Juan Luna St. nang mapansing nilaslas ang kanyang bag. Sinilip ng biktima ang kanyang bag at napansing nawawala ang kanyang Iphone 5s na cellphone at coin purse.
Nakita ni Mangalindan na hawak ni Parolan, kasama si Flores, ang kanyang cellphone at ipinasa sa kanilang kasama. Sinundan ng biktima ang mga suspect pero siya ay pinagbantaang sasaksakin.
Napilitang humingi ng tulong ang biktima sa mga patrolling policemen at hinabol ang mga suspect. Nacorner sina Parolan at Flores pagkatapos ng ilang minutong habulan.
Tanging ang coin purse ng biktima at isang razor blade ang narecover sa mga suspect. Kasalukuyang nakadetain sa MPD Station 11 ang mga suspect na hinaharap ang kasong robbery. (Analou de Vera)