Ayaw magpa-fall (magpaasa) ng isang aktor na nali-link sa kapareha niyang aktres sa isang teleserye. Kahit pa sinasabing girl na open siya sa posibilidad na magkaroon sila ng “something.”
Anang aktor, hindi mahirap mahalin ang aktres. Maganda, mabait, simple at girlfriend-material ito. Pero aniya, natatakot siyang mag-commit dahil hindi pa siya handa. Sobrang nasaktan siya sa break-up nilang huling babaeng nakarelasyon niya.
Nagsisimula pa lamang mag-move-on ang aktor. Aniya, ayaw niyang magpaasa. Ayaw niyang makasakit ng damdamin. Kung magmamahal siyang muli ay ‘yung buung-buo na sa loob niyang i-commit ang kanyang sarili sa isang relasyon. ‘Yung walang pag-aalinlangan. Aniya, magiging unfair sa kanila pareho kung hindi wagas sa puso niya ang pagmamahal sa girl.