Kinumpirma kahapon ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre na inaresto ang Korean businessman na si Kang Tae Sik para mai-deport na.
Kasabay nito, pinabulaanan ni Aguirre ang ulat na inaresto si Kang kahit na walang warrant o dahilan. “Not true. He is due for deportation so he could be arrested to implement it,” pahayag ni Aguirre.
Nauna rito, nanawagan ang pamilya ng Korean kay Aguirre na siguraduhin na ligtas at mapapalaya siya dahil dinakip siya ng Bureau of Immigration (BI) mula sa kaniyang Makati office na walang warrant of arrest.
Noong 2014, nag-issue ang BI ng warrant for deportation laban kay Kang base sa deportation complaint ng isang Korean Peter Sun dahil umano sa pag-issue ng bouncing checks. (Jeffrey G. Damicog)