Patay ang isang 63-taong gulang na lolo nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki habang siya’y naglalakad pauwi sa Pasay City noong Linggo.
Kinilala ng police ang biktima na si William San Jose, nakatira sa 236 Sykason Building, Barangay 94, Zone 1, Decena Street, Pasay City.
Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan. Base sa report ni Chief Inspector Rolando Baula, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay police, naganap ang pamamaril dakong 7:25 p.m. sa sidewalk ng Arnaiz Avenue kanto ng Taft Avenue, Pasay City. (Jean Fernando)