Inaresto ng National Bureau Investigation (NBI) agents ang pitong tao na sangkot umano sa large-scale illegal recruitment sa Pasay City.
Kinalala ng NBI ang mga nadakip na sina Marie Alvarez, Mercy Galedo, Crisanto Diroy, Joel Gallezo, Kristine Fernandez, Cludia Arnente, at Ramona Castro.
Nahaharap sila sa mga kasong estafa at syndicated large-scale illegal recruitment. Nadakip sila noong March 22 ng mga ahente ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (NBI-AHTRAD) sa Kairus Human Resources office sa Pasay City.
Ayon sa NBI, hindi lisensiyadong recruitment agency ang Kairus Human Resources ngunit patuloy itong kumukuha ng mga aplikante para magtrabaho bilang food processor sa Japan.
Pinagbayad ng ahensiya ang applicants ng discounted down payment para sa pagproseso ng Japanese visa at nangakong sisingilin sila sa kanilang balanse kapag nai-release na ang visa nila.
Nalaman ng NBI na nakakolekta ang suspects sa complainants ng P240,750 dalawang taon na ang nakakaraan ngunit hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay ang ipinangaho sa kanila. (Jeffrey G. Damicog)