Patay ang isang dating pulis habang sugatan naman ang kaniyang kaibigan nang pagbabarilin sila ng hindi kilalang lalaki sa tapat ng isang sari-sari store sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, gabi ng Lunes.
Kinilala ng police ang napatay na si Ederwin Tatci Bernabe, 43, residente ng Villa Raymundo Compound , Barangay Palatiw , Pasig City.
Base sa initial investigation ni SPOI Rusthom Valdez, officer on case, naganap ang pamamaril dakong 9 p.m. sa tapat ng Mila’s sari-sari store sa Catleya Street corner M.H. del Pilar, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Dead on the spot si Beranabe habang nakaligtas naman ang kaniyang kaibigan na si Josphel Natalio, 43, alias Kalbo, na nagtamo ng tama ng bala sa mata at mga braso.
Tumakas ang armadong lalaki kasama mga kasapakat bago pa dumating ang mg pulis mula sa Police Community Precinct 8.
Na-recover ng mga imbestigador sa crime scene ang isang 9mm pistol na kargado ng bala. Patuloy pa ang pagsisiyasat ng ng police sa krimen. (Madelynne Dominguez)