Coffee-lover ka ba? Talaga bang nakakagising ito para sa iyo? Hindi mo ba kaya na lumipas ang isang araw nang walang kape?
There’s something about its taste and aroma na gumigising sa diwa natin.
Routine na para sa atin ang bumili at uminom ng coffee – iba’t-ibang sizes na, iba’t ibang flavor pa – from Mocha Frappuccino, Hazelnut or Caramel Macchiato, Espresso, Brewed, or simpleng Barako.
Masarap, feel-good, at picker-upper. Pero alam niyo bang this is one of the main reasons kung bakit kinakapos tayo sa pera at budget?
Masarap talagang humigop ng mainit na kape with matching relaxing ambience, lalo na kung kayang i-absorb ng bulsa natin ang gastos. Pero kung nagiging dahilan na ito para maubos ang laman ng wallet niyo, may problema na tayo rito.
Bakit nga ba tayo napapagastos ng ganoon kalaki para lang sa kape?
LACK OF SELF-CONTROL
Ang sarap kasi ng feeling uminom ng kape sa paboritong mong coffeeshop. Bago pumasok sa office o klase, bili ng coffee.
Breaktime, bili ng coffee. After lunch, bili ng coffee. After office hours, bili pa rin ng coffee.
Sa bawat pagkakataon, lalo na kapag we have easy access, mahirap kapag wala tayong pinapalagpas. In other words, out of control na at hindi na kumpleto ang araw mo na walang kape.
STATUS SYMBOL
Minsan, nagiging sukatan ang pagbili ng kape para masabi na tayo’y well-off or “can afford.” Nakakatawa pa nga ‘yung iba, paunti-unti pa ang sipsip, nakabalot ng tissue para kunwari may laman pa, nakauwi na’t lahat, hawak pa rin ‘yung baso.
Feeling kasi natin, kapag may hawak tayong ganito, we’re holding something valuable.
Tandaan niyo na ito’y simpleng inumin lang. Hindi tayo required bumili nito just to make us look good sa mata ng ibang tao. Kahit pa 3- in-1 lang ang iniinom natin, kung meron naman tayong ipon, then that’s something we can be more proud of.
CHOOSY PA
“Eh, masarap kasi ‘yung kape doon.”
“3-in-1? Ayoko nga! Walang kalasa-lasa, panay asukal lang iyan.”
“Iba pa rin ‘yung galing sa sikat na coffeeshop.”
Wala na ngang pera, choosy pa. Wala naman sa budget, pinagpipilitan pa rin makabili. Marami na ngang binabayaran na utang, aaraw-arawin pa ang pagbili ng kape.
During these times na sakto lang ang ating budget, hindi na natin kailangan i-pressure ang ating mga sarili to have something that we can’t really afford. Kung anong available, matuto tayong makuntento at magpasalamat.
Imagine how much money we spend for branded coffee.
One cup usually costs at least P130 x 5 days: P650 a week; P2,600 a month; P31,200 a year.
Ha? R31,200/year? Ilang taon ka nang umiinom ng branded coffee?
YES, mga kapatid! The amount you are spending on coffee is enough to buy a high-end smartphone.
Kaya the next time may urge ka to buy coffee, think before you sip. We can always look for alternatives to satisfy our taste buds without burning our wallet. Switch to a less expensive choice, instead.
If you still prefer branded ones, you might want to consider na bawasan ang trips mo to coffee shops from everyday to twice a week, so you can save more.
THINK. REFLECT. APPLY.
Nauubos ba ang budget mo dahil sa kape? What are your reasons for buying it? Ano pang alternative ang naiisip mo para masiyahan ka without destroying your budget?
Please watch out for my new book coming out soon, “Diary of a Pulubi” 22 Money Lessons on Avoiding to Become Broke.
(Chinkee Tan)