KORONADAL CITY, South Cotabato (PIA) – Sa layong magabayan ang kabataan sa lalawigan, nagsasagawa ng Moral Recovery Program (MRP) ang pamahalaang panlalawigan ng South Cotabato.
Partikular na tinututukan ng isinasagawang MRP ang mga out-of-school youth sa mga barangay at bayan sa lalawigan, ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Ma. Ana Uy.
Ayon kay Uy, isa sa mga tinututukan ng kanilang tanggapan ay ang pagbibigay ng training sa mga kabataan lalaung lalo na sa pag-uugali at pagiging responsableng mga mamamayan at pagiging halimbawa sa kapwa kabataan.
Layon din ng MRP na makahimok ng kabataan na mamuhay ng moral sa mabuting pamamaraan at palakasin ang kanilang pananalig sa Diyos.
Tampok sa programa and mga lecture at mga gawain na kapupulutan ng aral ng mga kabataan.
Dagdag ni Uy, ilang kabataan na lumahok sa mga naunang MRP ang nakitaan na ng pagbabago. Sa katunayan ilan sa kanila ang kasama na sa magpapatupad ng adopt-a-barangay project sa bayan ng Tboli.
Ilan sa nakatakdang MRP ay gagawin sa Polomolok sa Abril 5-7, sa Tampakan sa Mayo 3-5, sa Sto. Niño sa Mayo 10-12 at sa Tantangan sa Mayo 17-19.