Pinayagan ng Sandiganbayan Third at Fifth Divisions ang pagbiyahe ni dating Makati Mayor Elenita Binay’s sa Osaka at Tokyo, Japan mula April 1 hanggang April 8, 2017.
Hiningi ni Binay sa korte ang permiso ng korte para makapagbakasyon siya sa Japan. Sa kaniyang motion, sinabi niya na plano niyang tumigil sa Swissotel Nankai Osaka mula April 1 to 4, at sa Shibuya Excel Hotel mula April 5 to 8.
Sa magkahiwalay ng resolution na inilabas noong March 27 at 28, inaprubahan ng Sandiganbayan ang kaniyang motion, ngunit pinagdi-deposit siya ng P420,000 sa Third Division bilang patunay na susunod siya sa terms ng korte.
“Any material misrepresentation made in the accused’s motion for permission to travel abroad shall be punished as contempt of this court and shall be dealt with accordingly,” babala ng korte.
Si Binay ay may kinakaharap ng graft at malversation cases sa Fifth at Third Divisions ng Sandiganbayan. (Czarina Nicole O. Ong)