Binigyan nang “ultimatum” ng award-winning filmmaker Mes De Guzman ang aktres na si Sharon Cuneta kung magagawa pa ba nito ang Cinemalaya Independent Film Festival 2017 entry nitong “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha.”
Hanggang April 5 na lang ang deadline na binigay ni Direk Messa “waiting period” nito upang mag-desisyon.
Ayon sa aming informant, “Direk Mes wants to put a deadline on the waiting period (for Sharon). Finishing the film on time is still the top priority.”
Na-anunsiyo na nga sa media noon pa na sa unang pagkakataon ay gagawa ng indie film ang megastar, at nagustuhan nga nito ang script ni Direk Mes as official finalist ng taunang Cinemalaya film festival, tungkol sa isang inang naghahangad na makabalik sa piling niya ang asawa at anak nito.
Pero hanggang sa isinusulat nga ito’y hindi pa rin nagsisimulang mag-shooting ang produksiyon.
Now on its 13th year, ngayong August 4-13 gaganapin ang nasabing indie film festival sa CCP Theaters at Ayala Cinemas, pero sabik na ang Sharonians ng update kung kalian nga ba gigiling ang kamera para sa nasabing pelikula.
Sa social media, nagpahayag ang fans ni Sharon ng kanilang excitement sa balitang may Cinemalaya entry ang kanilang idolo, lalo’t ang ibang big stars na nakagawa nang pelikula sa festival na ito the past years ay sina Nora Aunor, Vilma Santos, Eddie Garcia, Richard Gomez, etc.
Samantala, ilang lingo na ring usap-usapan kung matutuloy rin ba ang movie ni Sharon with Gabby Concepcion sa Star Cinema, o hindi na?
Itinanggi nang kampo ni Gabby ang tsikang 10 million ang asking talent fee ng aktor.
Sabi ng Sharon-Gabby loyal fans, 25 years na silang matiyagang naghihintay sa said project. (Mell T. Navarro)