Paano ba pakikitunguhan at aalagaan mga taong may Alzheimer’s disease o dementia?
Ipinayo ni Dr. Socorro Martinez, chairperson of Dementia Council of the Philippine Neurological Association, sa mga caregivers ng dementia patients na tandaan ang tatlong “Rs” – Respect, Repetition at Reassurance – sa pakikitungo sa kanila.
Ipinaliwanag niya na dahil irritable at madaling ma-offend ang mga taong may dementia, dapat laging positive words ang bibigkasain ng nag-aalaga sa kaniya lalo na kung nalilito siya sa mga bagay-bagay o petsa ng okasyon.
“Don’t say ‘No, no it’s Tuesday.’ Just state the day so they don’t get offended,” paliwanag ni Martinez sa forum na inorganisa ng Novartis para sa Women’s Month.
Kung parati nilang inuulit ang isang tanong, ibigay lamang ang eksaktong sagot.
“The patients tend to forget, that is why they keep on repeating the same questions,” sabi niya.
Dapat lagi rin silang i-reassure na kaya pa nilang gawin ang mga nakagawian nila.
Ang Alzheimer ay ang pinakakaraniwang uri ng dementia na nakakaapekto sa memorya, pag-iisip at pag-uugali ng isang taong may ganitong neurological disorder.
“Dementia describes a group of symptoms affecting memory, thinking and social abilities severely enough to interfere in older adults,” sabi ni Martinez.
Akala ng karamihan ang dementia ay bahagi lamang ng pagtanda dahil karaniwang nakikita ang pag-uulyanin sa mga taong may edad 65 pataas.
Ngunit ayon sa kaniya, maaring dapuan ng sakit na ito mga taong wala pa sa edad 60.
Karaniwan, bumabagsak sa panganay na anak na babae ng pamilya ang mabigat na responsibilidad ng pag-aalaga sa kaanak na may dementia.
Katunayan, sinabi ni Martinez na ang Alzheimer’s disease ay itinuturing na “the most feared disease” sa mundo dahil hindi lamang ang pasyente ang nahihirapan kundi pati na rin ang tagapag-alaga niya.
Ayon kay Martinez, mas stressful ang mag-alaga ng pasyenteng may dementia kaysa sa mga taong may sakit na cancer.
“The stress of caring for patients with Alzheimer’s disease is approximately 3.5 to 4 times greater than when you are taking care of patients with cancer,” pahayag ni Martinez.
Ipinabatid niya na 40 percent ng mga nag-aalaga sa taong may Alzheimer’s disease ay nakararanas ng depression. Dahil dito, kailangan ng caregivers nila ang dalawang araw na day off kada isang linggo.
Iminungkahi ni Dr. Martinez sa gobyerno na isama sa healthcare system ang dementia care services at ang public education tungkol sa kondisyong ito dahil sa lumalaking bilang ng mga senior citizen sa bansa.
“The current population for Filipinos age 60 and older is about 7 million, accounting for 7% of the total population.
The National Statistics Office projects that by 2030 senior citizens will make up almost 12% of the country’s total population,” pahayag ni Martinez. (Emily G. Bugarin)