Pinaalalahanan kahapon ni Commissioner Caesar R. Dulay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang individual at corporate taxpayers na hanggang April 17 na lamang sila puwedeng mag-file ng 2016 income tax returns.
Sa Revenue Memorandum Circular No. 28-17 na kaniyang inilabas, ipnaliwanag ng BIR chief na dahil ang actual April 15 deadline ay nataon na Black Saturday, isang non-working day, iniurong ito sa April 17 (Lunes).
Tulad noong isang taon, sinabi ni Dulay na walang extension ang deadline at papatawan ng penalties ang mga late filers tulad ng 25 percent surcharge sa tax due, 20 percent interest kada taon; at compromise penalties.
Kumpiyansa ang BIR management na mararating nila ang R1.8-trillion collection goal para sa taong ito, base na rin sa initial results ng katatapos na tax collection campaign sa mga pangunahing lungsod at bayan sa buong bansa.
(Jun Ramirez)