Patuloy na isinusulong ni Senator Cynthia Villar ang pagpapaunlad ng Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Eco-Tourism Area (LPPCHEA) bilang urban tourism destination.
Kamakailan, pinangunahan ng senadora ang ground breaking ceremony para sa eco-tourism facilities sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park na inaasahan magpo-protekta at mangangalaga sa natitirang wetland sa Manila Bay.
Sinabi ni Villar na unang itatayo rito ang visitor’s center o ang wetland wave na magsisilbing drop-off point at gathering area ng mga bibisita sa park.
Itataguyod ni Mrs. Villar at ng kaniyang asawa na si dating Senator Manny Villa ang pagpapagawa ng entrance facility.
“We are now signaling the start of the construction of eco-tourism and conservation facilities of the soon-to-rise Las Piñas-Parañaque Wetland Park.
These structures will enhance the wetland’s natural landscape and will make our people’s visit more convenient and educational,” sabi niya.
Ayon kay Villar, inaasahang matatapos ang construction sa darating na October na napapanahon sa isasagawang 12th Session of the Conference of Parties to the Convention on Migratory Species (CMS COP12).
Isa ang LPPCHEA sa mga lugar na bibisitahin ng CMS COP12 participants. (Elena L. Aben)