Nag-set up ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng isang integrated center for traffic, flooding and disaster monitoring para agad na matugunan ang anumang klase ng emergency at crisis sa metropolis.
Ang Metro Manila Crisis Monitoring and Management Center (MMCMMC) ay nasa third level ng Metrobase Command Center na nagmomonitor ng traffic at mga aktibidades sa mga pangunahing daanan sa pamamagitan ng closed circuit television cameras.
“With the MMCMMC, Orbos said there will be a better coordination and relaying of information as monitoring for flood, traffic and other crisis among concerned government agencies and local government units in Metro Manila,” said Orbos.
Isinama sa MMCMMC ang tungkulin ng dating Flood Control Information Center (FCIC) na itinatag para kumuha at magbigay ng information sa publiko sa oras ng masamang panahon tulad ng pagbaha.
“We merged FCIC and Traffic Monitoring Center under one roof,” sabi ni Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)