Sa mga hindi nakakaalam, kabilang ang isang Pinoy sa mga visual artists na kasama sa pag-design ng mga costumes sa kapapalabas lang na live superhero Hollywood movie na Power Rangers.
Ang pangalan niya ay si Ryan Serrano at parte siya ng Weta Workshop na based sa bansang New Zealand.
Kinomisyon ang Weta special effects team para sa reboot ng Americanized tokusatsu franchise na Power Rangers.
Ayon kay Serrano, ang team nila ang namahala sa magagandang visual effects and design ng costumes ng mga Power Rangers heroes.
“Ang pinaka-main na ginawa namin dun is ‘yung mga armors, tapos ‘yung mga chestplates. Halos lahat ng visual effects sa mga characters kami ang gumawa,” kuwento pa ni Serrano sa kanyang interview sa 24 Oras.
Ang naging mentor ni Serrano sa kanyang pagiging isang kilala nang visual artist ay ang lead visual artist ng GMA telefantasya na Encantadia at Mulawin Vs. Ravena na si Noel Flores.
Kuwento pa ni Serrano, naging thesis niya sa University of Santo Tomas ang original incarnation ng Encantadia noong 2005 at ito ang naging inspiration niya para mas i-pursue ang career na maging isang visual artist.
Hindi raw nagulat pa si Noel Flores na nakasama sa visual effects team ng Power Rangers si Serrano dahil estudyante pa lang daw ito, marami na raw itong malaman sa larangan ng visual arts.
“Nung estudyante pa lang siya, nakita ko ‘yung passion niya to learn, ‘yung passion niya of course na maging artist,” sey pa ni Flores.
Bago ang Power Rangers, nagkapagtrabaho si Serrano bilang parte ng Weta sa special effects and props department na gumawa sa film franchise ng The Lord of The Rings.
Isa sa pangarap ni Serrano na balang-araw ay makapagtrabaho siya sa isang Marvel movie franchise.
“Malaking achievement na sa akin ang makasama sa team na gagawa ng visual effects ng isang Marvel movie. Dream ko iyon. Sana one day matupad siya,” pagtapos pa ni Ryan Serrano. (Ruel J. Mendoza)