May 454 motorists ang dinakip ng Makati Public Safety Department (PSD) dahil sa pagharang sa pedestrian lanes.
Iniutos ni Makati Mayor Abigail Binay ang mahigpit na pagpapatupad ng traffic regulations para masiguro ang kaligtasan ng pedestrians.
Sinabi niya na ang pagbibigay daan sa mga tumatawid ay isang “basic road courtesy” na nakasaad sa Traffic Code.
“Sadly, many motorists have become insensitive to the danger they pose on pedestrians when they obstruct pedestrian lanes or fail to slow down before reaching a designated crossing,” sabi ni Binay.
Ibinigay ni Binay ang kaniyang kautusan matapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa mga motoristang tumatangging magbigay daan sa pedestrians.
Madalas ding maobserbahan na maraming sasakyan ang humaharang sa zebra lanes sa intersections at iba pang pedestrian crossings sa lungsod.
Binalaan ng mayora ang mga motorist na patuloy na ipatutupad ang kampanya laban sa traffic violators para masiguro ang disiplina at pag-iral ng batas sa loob ng lungsod.
Noong nakaraan taon, umabot sa 204 pedestrians ang nasaktan sa mga aksidenteng kinasasangkutan ng iba’t ibang sasakyan, ayon sa report ng Makati Police. (Anna Liza Villas-Alavaren)