Apat na kalalakihan ang dinakip ng mga nagpapatrol na pulis dahil sa pagdadala ng baril at granada sa Camarin, Caloocan City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Senior Supt. Chito G. Bersaluna, Caloocan Police chief, ang suspects na sina Art Villanueva, 29; Daryl Yalong, 28; Francisco Sauran, 29; at Ted Villanueva, 40, pawang mga tricycle driver at residente ng Caloocan.
Base sa initial investigation, namataan ng mga pulis ang suspects na may kahinahinalang kilos bandang 1 a.m. kung kaya’t pinahinto nila ang mga sinasakyan nilang motosiklo na walang plate number sa Phase 6, Barangay 178, Camarin, Caloocan.
Nang kapkapan ng pulis ang apat, nakumpiska sa kanila ang dalawang .45-caliber pistols, isang granada at 10 piraso ng bala.
Sinabi ni Bersaluna na inaalam nila kung ang mga nadakip ay mga vigilante na umaatake sa North Caloocan. “There is a very big possibility that these four were the vigilantes in North Caloocan.
We are just waiting for the result of the ballistic cross matching. (Jel Santos)