Apatnapung kabahayan ang naabo sa isang sunog na sumiklab sa Tondo, Manila, noong Huwebes ng hapon. Base sa report ng Manila Fire Department, umabot sa Task Force Alpha ang sunog at mabilis na kumalat sa mga bahay sa kanto ng Vargas at Antipolo Streets dakong 5:13 p.m.
Umabot sa 80 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumupok ng P2 million halaga ng ari-arian. Napag-alaman sa investigation na nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Nelia Morales.
Nahirapan ang mga bumbero sa pagpasok sa naturang lugar dahil sa makitid na daan. Naapula ang apoy dakong 9:11 p.m., ayon sa investigators.
Isang residente naman ang ginamot matapos na makaramdam ng hirap sa paghinga dahil sa makapal na usok. Hinala ng investigators na faulty electrical wiring ang sanhi ng apat na oras na sunog. (Analou De Vera)