Dahil kasama sa bagong aabangan na telefantasya ng GMA-7 na “Mulawin vs. Ravena” ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio, kailangan nang tapusin ang pinagbibidahan niyang weekly action-comedy series na “Tsuperhero”.
Ayon kay Derrick, kung kaya lang daw niyang pagsabayin ang trabaho sa “Mulawin vs. Ravena” at “Tsuperhero” ay gagawin niya.
Nakilala raw kasi niya ng mara-ming bata dahil sa pinagbidahan niyang superhero character.
“Nakilala talaga ako ng marami dahil sa ‘Tsuperhero”’.
“I receive tweets from different people, here and abroad at sinasabi nila na tuwang-tuwa sila sa mga kuwento ng “Tsuperhero”’.
“Nakakalungkot lang na malapit na kaming matapos para mas makapag-concentrate ako sa ‘Mulawin vs. Ravena.’”
Pero puwede pa rin naman daw bumalik ulit ang “Tsuperhero”.
“But we’re not ending the series totally.
“Parang may aabangan pa rin si-lang bagong chapter ng ‘Tsuperhero’ soon,” paniniguro pa ni Derrick.
Sa “Mulawin vs. Ravena” ay gaganap si Derrick bilang Almiro, ang anak nila Alwina at Aguiluz mula sa original Mulawin series noong 2004 na pinagbidahan nila Angel Locsin at Richard Gutierrez.
“I was nine-years old noong una kong napanood ang “Mulawin”.
“First time akong makapanood ng gano’ng klaseng show sa atin. Ang galing ng costumes at ng mga special effects.
“I never thought na years after ay mapapasama ako sa pagbabalik ng “Mulawin” at ako pa ang gaganap na anak nila Alwina at Aguiluz.
“Parang ang galing. Kasama ako sa isang show na naging paborito ko noong bata ako” ngiti pa niya.
Kelan lang ay isa si Derrick sa ni-launch bilang bagong celebrity endorser ng Blackwater Men’s Fragrances.
Kasama niya rito ay si Christian Bautista (na nine years nang endorser ng Blackwater), Arci Muñoz at ang PBA player na si Mac Belo ng Blackwater Elite team. (Ruel J. Mendoza)