Para matugunan ang problema ng bansa sa plastic wastes, isinusulong ni Senator Cynthia Villar ang implementation ng extended producer responsibility (EPR), isang measure na ipinatutupad ngayon ng mga bansa sa Europe.
Tinalakay ng senadora ang concept ng EPR sa isinagawang public hearing ng Senate committee on environment and natural resources na kaniyang pinamumunuan.
Ang EPR, ayon kay Villar, ay isang environmental protection strategy na nagre-require sa mga manufacturers na gumagamit ng plastic materials sa kanilang packaging na maging responsible sa pagkuha ng plastic wastes.
Maari itong gawin sa pamamagitan ng “reuse, buy-back or recycling program.” Sa ganitong paraan, ang waste management ay magiging responsibilidad na ng manufactures at hindi ng pamahalaan.
“Our plastic waste problem cannot be solved by token CSR. Companies should also do voluntary work or work in convergence with government agencies to significantly reduce prevalence of plastic wastes in our seas,” sabi niya.
Ayon sa kaniya, balak niyang isulong ang amendment ng Republic Act 9003 o the Ecological Solid Waste Management Act, dahil sa pagkabigong mabawasan ang plastic wastes sa kabila ng enactment nito noong 2001.
Base sa pag-aaral ng University of Georgia, pangatlo ang Philippines, kasunod ng China at Indonesia, sa 192 bansa na na-survey, sa dami ng mismanaged plastic wastes na maaaring mapunta sa karagatan. (Elena L. Aben)