New generation of actors ang bumubuo ng cast ng aabangan na GMA-7 telefantasya na “Mulawin vs. Ravena”.
Millennial kung tawagin ang mga new generation Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Derrick Monasterio, Bea Binene at Kiko Estrada.
Mga bata pa sila noong mga unang lumabas ang telefantasya na “Mulawin” in 2004. Ngayon ay puspusan na ang training nila dahil kasama sila sa muling pagbabalik nito sa GMA-7.
Si Miguel Tanfelix ay binuhay ulit ang original role niya sa “Mulawin” bilang si Pagaspas.
“Dream role ko pong maging part ng “Mulawin” ulit, tapos ito na may “Mulawin” ulit and part kami and napabuti pa kasi kasama ko si Bianca Umali.”
Si Bianca naman ang gaganap na Lawiswis na unang ginampanan ng Starstruck Kids winner na si Sam Bumatay.
“Before talagang ini-imagine ko na sana ma-feel kong lumipad, kung paano nila ginagawa. Tapos ngayon po na nalaman ko na kasama ako sa cast ng “Mulawin vs. Ravena” talagang dream come true.”
Si Bea Binene naman ay gaganap bilang Anya at si Derrick Monasterio naman ay si Almiro, ang anak nila Aguiluz at Alwina na unang ginampa-nan nila Richard Gutierrez at Angel Locsin.
Sagad din ang training ng dalawa sa kanilang Wushu at boxing na magagamit nila sa mga eksena.
Si Kiko Estrada naman ay gaganap na Rafael. Kontrabida rin ang role ni Kiko tulad ng kanyang amang si Gary Estrada na naging part ng original “Mulawin” cast bilang si Rasmus.
“I want them to see this role and siyempre gagalingan kasi magaling ‘yung tatay ko and I never want to upset or disappoint my family or the fans or anyone.
“So, 100% Kiko Estrada ito and 100% of my efforts and my talents is gonna be here in “Mulawin,” pagtapos pa ni Kiko Estrada. (Ruel Mendoza)