Ikinatuwa ng mga Pinoy fans sa Los Angeles, California ang pagdating doon nila Alden Richards, Maine Mendoza, Paolo Ballesters, Jose Manalo at Wally Bayola para sa gagawin nilang Kalyserye Sa US show.
Big hit pa rin sa mga Pinoy sa Amerika ang mga characters na inilikha ng phenomenal show na Kalyeserye ng Eat Bulaga na sina Alden, Yaya Dub at ang mga lola na sina Nidora, Tidora at Tinidora.
Noong nakaraang April 9 ay ginanap ang “K.S. sa U.S.” show sa Civic Center Auditorium sa Pasadena, California.
Ang susunod naman na show ay magaganap sa King Theatre in New York City sa April 12.
Sa U.S. magpapalipas ng kanilang Holy Week vacation ang Kalyeserye cast at uuwi sila right after Easter Sunday.
Kailangan ding makabalik agad nila Alden at Maine dahil may taping pa sila ng kanilang teleserye na Destined To Be Yours.
Special naman ang pagpunta ng award-winning actor na si Paolo Ballesteros sa U.S. dahil ito ang pagkakataon na makasama niya ang kanyang anak na si Keira Claire na naka-base na sa U.S. since 2015.
Nakakasama lang ni Paolo ang kanyang unica hija kapag may bakasyon siya mula sa kanyang maraming trabaho sa Pilipinas.
“My sweet surprise! #keiraClaire,” post pa ni Paolo sa kanyang Instagram account nang muli niyang makapiling ang kanyang anak.
Matapos bumida si Paolo sa award-winning independent film na “Die Beautiful” noong nakaraang taon kunsaan nanalo siya ng best actor award mula sa Metro Manila Film Festival 2016, patuloy ang paglabas ni Paolo bilang host sa sa Eat Bulaga.
Kelan lang ay naging cover si Paolo ng Team, isang magazine na nagtatampok sa iba’t ibang kuwento ng mga gay men sa Pilipinas at Southeast Asia.
Tampok din si Paolo sa Lenten Special episode ng Eat Bulaga na “Inay” kunsaan kasama niya sina Allan K., Sinon Loresca, at AiAi Delas Alas. (Ruel J. Mendoza)