MISMONG si Sharon Cuneta na ang nag-kumpirma sa kanyang social media account na gagawin niya ang kanyang Cinemalaya 2017 film entry na “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha”, written and directed by the award-winning Mes De Guzman.
Ayon sa post ni Sharon: “Relax, everyone. Doing all we can so that we can start and complete my first-ever Cinemalaya entry, ‘Ang Pamilyang Hindi Lumuluha’ to be directed by the award-wining director whom I respect and am looking forward to working with, Mes De Guzman.
“Praying for no setbacks, and if none at all, it’s a definite go!”
Mahigit isang taon na magmula nung unang nakapag-usap ang kampo ni Sharon sa grupo ni Direk Mes, pormal na in-offer ang role, at nagustuhan ng singer-actress.
Si Sharon rin mismo ang nagpahayag sa isang press conference niya last year (2016) for a concert, na for the first time ay gagawa siya ng isang indie film, at kung hindi kami nagkakamali ay pati sa kanyang interview sa “Tonight With Boy Abunda”.
Pero sa ilang di malamang kadahilanan, bagama’t lumutang ang chikang “schedule concerns” ng shooting niya ng pelikula, ilang buwan ang naging paghihintay ng produksiyon sa availability ng megastar upang simulan ang pelikula.
Last month, galing rin sa Cinemalaya organizers, ang impormasyon sa entertainment media na pinapangunahan nga ni Sharon ang line-up of casting sa sampung entries ng Full Length Feature Category ng nasabing film festival.
Hanggang sa lumabas na sa press ang sinasabing “April 5 deadline” bilang “ultimatum” sa management ni Sharon upang magdesisyon kung magagawa pa nga ba ng aktres ang pelikula, o hindi na, dahil may deadlines na dapat na i-consider sa guidelines ng Cinemalaya.
And just last week, sa Cinemalaya Fan Page sa Facebook, may notice na na-post na “due to unforseen matters, Ms. Sharon Cuneta may not be able to do the film ‘Ang Pamilyang Hindi Lumuluha’…”
Na-pick up ito ng ilang entertainment press – print and online.
Dito na “nagpanic” ang mega-loyal Sharonians sa social media. Kay daming nagpahayag ng kanilang disappoinments, rants, pina-asa lang daw sila ng kanilang idolo, etc.
Na siyempre ay nakarating sa megastar. Kung kaya’t once and for all ay siya na mismo ang nag-post that she’s finally committed to do – and finish – the film.
Ang buod na kuwento ng “Ang Pamilyang Hindi Lumuluha” ay tungkol sa isang desperadang ina na naghahangad na magbalik ang asawa at dalawang anak sa kanyang piling.
Ang Cinemalaya 2017 ay itatanghal sa August 4-13, 2017 sa CCP Theaters and Ayala Cinemas. (MELL T. NAVARRO)