Apat na high-powered guns at ibang ibang klase ng bala ang natagpuan ulit sa Iglesia ni Cristo (INC) compound sa Quezon City noong Lunes ng hapon.
Ayon sa report ng Talipapa Police Station (PS-3), nakumpiska ang mga baril sa building na dating inakupa ng napatalsik na INC siblings na sina Angel Manalo at Lottie Manalo-Hemedez at ng kanilang mga supporter sa loob ng compound sa No. 36 Tandang Sora Avenue, Barangay New Era.
Sinabi ng police na itinago ang long firearms sa kisame ng isa sa mga kuwarto. Si Rogelio Gragasin, isang electrician, ang nakadiskubre ng mga armas habang nire-repair niya ang electrical lines ng building dakong 4:30 p.m..
Kabilang sa mga natagpuan ay dalawang rifles, dalawang shotgun at iba’t ibang klase ng bala. Kaagad na inireport ni Gragasin ang kaniyang nadiskubre sa security guard na si Robert Ben Calderon na siya namang nag-inform sa PS-3.
Sinabi ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Explosive Ordnance Division na isa mga nakuha sa building ay bala ng M-40 grenade launcher na nakatali sa isang chicken wire.
Si Manalo at dalawang iba pa ay nakakulong ngayon sa Camp Bagong Diwa, Bicutan Taguig City at nahaharap sa mga kaso dahil sa pagkakakumpiska ng mgahahabang baril saloob ng kanilang building noong nakaraang Marso 2.
(Vanne Elaine P. Terrazola)