Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment ng karagdagang tulong-pangkabuhayan na nagkakahalaga ng P200,000 ang unyon ng manggagawa sa Bataan matapos nilang matagumpay na mapaunlad ang kanilang negosyong bigasan.
Tinanggap ang Mitsumi Philippines Workers Union (MPWU) ng karagdagang tulong-pangkabuhayan mula kay DOLE III Regional Director Atty. Ana Dione sa ilalim ng Sustainable Livelihood Framework (SLF) Program ng DoLE.
“Isang istratehiya ng DoLE ang SLF para sa epektibong implementasyon ng mga programang pangkabuhayan na naglalayong makatulong na makamit ang layunin ng pamahalaan na sama-samang pag-unlad,”ani Dione.
Iniulat ni Dione kay Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III na nilalayon ng karagdagang tulong-pangkabuhayan na mas palakasin ang proyektong pangkabuhayan ng unyon at palawakin ang kanilang negosyo na frozen food products retailing.