Dahil sa hindi matiis na init ng panahon at pagkalat ng scalp disease sa loob ng selda, 33 detainees ng Quezon City Police District (QCPD) ang nagpakalbo.
Sinabi ni Supt. Rogarth Campo, commander ng QCPD’s Special Operations Unit (DSOU), na nagpasyang magpakalbo at magpaahit ng balbas ang mga detainee para mabawasan ang nararamdamang init sa loob ng male detention cell ng DSOU sa Camp Karingal.
Tumindi ang init sa loob ng selda dahil hindi kaya ng limang electric fans na magbigay ng hangin para sa 33 inmates na naghihintay ng court decision sa kanilang mga kaso.
“It’s too hot in there. Almost all of them have dandruff, only five of them are not affected,” sabi ni Campo. Ayon sa kanya, ginamit ng inmates sa pagpapakalbo ang isang razor na matagal nang nakatago sa detention cell.
Lumobo ang bilang ng inmates sa temporary detention nang ipasok doon ang 21 lalaki na naaresto sa tatlong cybersex dens noon April 5.
Sinabi ni Mark Pudoy, ang umano’y operator ng pornography dens, hindi sila pinilit ng DSOU na magpakalbo. “It’s our initiative. We can’t bear the heat anymore,” pahayag niya nang kapanayamin ng reporters. (Vanne Elaine P. Terrazola)